Lahat ng tungkol sa Kidney Transplantation

Ang Kidney Transplant ay isang operasyon kung saan ang isang malusog na bato mula sa ibang tao ay ililipat sa iyong katawan.

Ang gabay  na ito ay may layunin na ipaliwanag ang pinakamahahalagang impormasyon tungkol sa kidney transplantation upang matulungan ka at ang iyong pamilya na gumawa ng matalinong desisyon kung sasailalim sa transaplantation o hindi.

Ano ang Kidneys at ano ang ginagawa nito?

Ang iyong kidneys o mga bato ay dalawang organ na hugis beans na kasing laki halos ng isang kamao. Matatagpuan ang mga ito sa bandang likod ng mas mababang tadyang. Ito ang mga pangunahing gawain ng mga bato:

Clocks - Technology Webflow Template
Salain ang mga dumi at labis na tubig mula sa dugo
Clocks - Technology Webflow Template
Maglabas ng hormone na tinatawag na renin na tumutulong sa pagkontrol ng iyong presyon ng dugo
Clocks - Technology Webflow Template
Gumawa ng erythropoietin na nagpapasigla sa iyong bone marrow na gumawa ng mga red blood cells
Clocks - Technology Webflow Template
Gumawa ng vitamin D upang mapanatiling malusog ang iyong mga buto

Ano ang Kidney Failure?

Ang kidney failure ay nangyayari kapag hindi magawa ng mga bato ang kanilang mga function. Maaari itong mangyari nang dahan-dahan at tinatawag itong Chronic Kidney Disease.

Ang pinsala sa bato ay maaaring sanhi ng mga matagal nang sakit tulad ng diabetes, altapresyon, pamamaga ng mga pansala ng mga bato na tinatawag na chronic glomerulonephritis at mga autoimmune na mga sakit.

Karamihan sa mga taong may kidney failure ay maaaring mapansin na sila ay nanghihina, madaling mapagod, at nawawalan ng gana kumain.

Bakit ko kailangan ng Kidney Transplant?

Kapag ang iyong mga bato ay hindi na gumagana nang maaayos, ang mga paggamot tulad ng peritoneal dialysis at hemodialysis na naglilinis sa iyong dugo ng mga produktong dumi ay kailangan.

Gayunpaman, hindi kayang makumpleto ng dialysis ang lahat ng gawain ng mga bato. Tanging ang kidney transplant lang ang makakapagbalik ng lahat ng gawain ng mga bato.

Ang isang kidney transplant ay makakapagbigay ng ilang mga benepisyo tulad ng pagginhawa ng buhay, buhay na walang dialysis, at kakayahang makakain ng normal at walang anumang paghihigpit sa inumin.

Paano isinasagawa ang operasyon?

Ang Kidney Transplant ay isang operasyon kung saan ang isang malusog na bato mula sa ibang tao ay ililipat sa iyong katawan.

Ikaw ay maaaring makatanggap ng isang bato mula sa iyong kamag-anak (Living Related Donor), mula sa iyong asawa o malalapit na kaibigan (Living Non-Related Donor) o mula sa isang tao na patay na ang utak (Deceased Organ Donor). Ang mga Donors ay susuriin ng Transplant team kung sila ay maaaring magbigay ng kidney.

Ikaw ay patutulugin at walang mararamdaman na sakit habang ginagawa ang operasyon.  Ang iyong sariling bato ay kadalasang hindi tinatanggal. Ang bagong bato ay ilalagay sa kaliwa o kanan na bahagi ng iyong tiyan.

Pagkatapos ng operasyon, mananatili ka sa recovery room ng ilang oras hanggang sa maging matatag ka. Karaniwan, kinakailangan mong manatili sa ospital sa loob ng 7-9 na araw bago ka ma-discharge. Ipapaalam sa iyo ng iyong doktor kung maaari ka nang makalabas.

Paano ko malalaman kung ako ay tugma sa aking Donor?

Ang Kidney Transplant Team ay magsasagawa ng mga pagsusuri upang matukoy ang iyong pagiging tugma. May 3 salik (Uri Dugo, Uri ng Tissue, Tissue Crossmatch) na tumutukoy kung tatanggapin o tatanggihan ng immune system ng iyong katawan ang iyong bagong kidney.

Ang iyong Blood Type (A, B, AB, o O) ay karaniwang kailangang tumugma sa iyong Donor. Maaaring mag-donate ang isang blood type O donor sa sinuman. Maaaring makatanggap ng bato ang isang pasyente na may Blood Type AB  mula sa anumang blood type.

Tutulungan din ng iyong Doktor na magsagawa ng Tissue Typing at Tissue Crossmatch upang matukoy kung tugma ka o hindi sa iyong donor.

Karaniwang mga Tanong

Anong mga subsidy ang magagamit?

Ang mga Recipient na gustong sumailalim sa kidney transplant ay maaaring mag-apply para sa PhilHealth Z-Benefit Package. Kung maaprubahan, makakatanggap ka ng PHP 600,000 bilang tulong.

Ang mga recipients ay hindi dapat sumobra sa 44 hemodialysis sessions sa loob ng 1 taon para makapag apply sa PhilHealth Z-Benefit Package.

Ang mga CAPD na pasyente ay maaari pa ding makapag-apply sa PhilHealth Z-Benefit dahil gumagamit lamang sila ng 5 araw sa kanilang pagpapagamot sa ospital sa loob ng isang taon.

Paano kung wala akong buhay na donor?

Huwag kang magalala! Maaari kang magpatala sa Deceased Donor Waiting List program.

Kakailanganin mong tapusin ang pre-transplant workup bago ka makapag-enroll sa programa. Kausapin ang iyong doktor para matuto pa.

Gaano ako katagal sa ospital?

Ang bawat tao ay may iba’t-ibang bilis sa pagpapagaling. Karaniwan, ang Kidney Donor ay kinakailangan na manatili sa ospital sa loob ng 3-4 na araw.

Kadalasan, ang isang Kidney Recipient ay mangangailangan ng humigit-kumulang 7-9 na araw upang mabawi. Mapapalabas ka sa ospital kapag binigyan ka ng medical clearance ng iyong doktor.

Kailan ko maipagpapatuloy ang aking mga normal na gawain?

Karaniwang maaaring ipagpatuloy ang mga normal na aktibidad 4-6 na linggo pagkatapos mong ma-discharge.

Tandaan na ang panahon ng pagpapalakas ay magkakaiba para sa bawat indibidwal. Ang iyong Doktor ay magpapayo sa iyo kung kailan ka makakabalik sa trabaho.

Mapanganib ba ang Kidney Transplant?

Ang Kidney Transplantation na may buhay na donors ay may success rate na 96% ng bato ay gumagana ng maayos makalipas ang isang taon mula ng operasyon.

Ang mga transplantation mula sa patay na donors ay may mataas din na success rate na  93%.

Anong una kong gagawin kung gusto kong magpatransplant?

Dapat mong tanungin ang iyong doktor sa paghahanda, aktwal na operasyon at paggamot pagkatapos ng paglipat kasama na kung magkano ang magagastos para sa recipient at donor workup, operasyon at mga gamot pagkatapos ng transplant.

Sa karaniwan, tumatagal ng humigit-kumulang 1-2 buwan mula sa workup hanggang sa operasyon ng transplant kung mayroong available na donor.

Video Resources

Buhay ng isang Kidney Transplant Patient

Dagdag kaalaman sa Organ Donation

Matuto pa sa aming libreng gabay sa mga pasyente tungkol sa Kidney Transplant